322 - May Isang Dakong Payapa

May isang dakong payapa
Sa puso ng Diyos,
Doo'y di gumagambala
Ang salang balakyot.

REFRAIN

O Jesus, Manunubos,
Sugong mula sa Diyos,
Kami ay itaguyod,
Na malapit sa Diyos.

May isang pook ng aliw
Sa puso ng Diyos,
Doon si Jesus na giliw,
Tinatagpong lubos.

REFRAIN

O Jesus, Manunubos,
Sugong mula sa Diyos,
Kami ay itaguyod,
Na malapit sa Diyos.

Mayro'ng pook ng ginhawa,
Sa puso ng Diyos,
Kapayapaa't ligaya
Doo'y pumupuspos.

REFRAIN

O Jesus, Manunubos,
Sugong mula sa Diyos,
Kami ay itaguyod,
Na malapit sa Diyos.

0:00 0:00